Patay ang isang pulis nang tambangan ng riding-in-tandem sa Cainta, Rizal, kahapon ng umaga.
Dead on the spot si PO3 Christopher Baldevilla, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Protection and Security Company (PPSC) ng Rizal Police Provincial Office (RPPO).
Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, bandang 10:30 ng umaga nangyari ang pananambang sa Brookeside stoplight, sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay San Juan, Cainta.
Ayon kay Police Supt. Serafin Petalio, hepe ng Cainta police, sakay si PO3 Baldevilla sa motorsiklo nang biglang sabayan at pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa isa ring motorsiklo.
Nakatanggap umano ng report ang awtoridad tungkol sa pagkakasangkot ng biktima sa droga, ngunit kinukumpirma pa ito.
(MARY ANN SANTIAGO)