July 25, 2026

Home BALITA

PTFOMS, kinondena pagtatangka sa buhay ng radio broadcaster

PTFOMS, kinondena pagtatangka sa buhay ng radio broadcaster
Photo Courtesy: Presidential Task Force on Media Security (FB)

Naglabas ng pahayag ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) kaugnay sa pagtatangka sa buhay ni radio broadcaster Jay Lavapiez matapos pababarilin sa loob ng sasakyan nitong Lunes ng umaga, Hunyo 22. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nasa daan na si Lavapiez papunta sa radio station na pinagsisilbihan niya bilang station manager nang biglang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sakay ng motorsiklo. 

Nagpaputok ang isang lalaki sa sasakyan ni Lavapiez saka tuluyang umeskapo. Sa kabila nito, wala naman umanong natamong pinsala ang radio broadcaster. 

Kaya sa latest Facebook post ng PTFOMS nito ring Lunes, kinondena nila ang naturang karahasan at pananakot na ginawa laban kay Lavapiez.

Anila, “We condemn all acts of violence and intimidation against journalists and assert that such actions have no place in a democratic society.”

Metro

Bangkay ng babaeng nakasilid sa maleta, natagpuan sa Taguig!

Bukod dito, naghayag din sila ng pakikiisa para sa radio broadcaster at sa iba pang media professionals kasabay ng pagtiyak na gagawin ang tungkulin nilang protektahan ang karapatan at seguridad ng mga ito.

“The freedom of the press is essential to our democracy, and we will continue to advocate for measures that protect those who strive to uphold this freedom every day,” dugtong pa ng PTFOMS.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PTFOMS katuwang ang Philippine National Police Media Vanguards upang maisilbi ang hustisya kay Lavapiez.

Nagbigay na ng direktiba si Regional Police Office 6 Director PBGen Randulf Tuano sa mga PNP unit para agarang aksyunan ang naturang kaso.