July 13, 2026

Home BALITA National

Sec. Bantug, sinopla ‘kainan nang buhay’ ng VP Sara camp vs House panel

Sec. Bantug, sinopla ‘kainan nang buhay’ ng VP Sara camp vs House panel
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Pinabulaanan ni Clerk of Court at Senate Sec. Renato Bantug, Jr., ang mga bali-balitang “kainan nang buhay” sa pagitan ng mga kampo ng abogado ni Vice President Sara Duterte at mga miyembro ng House prosecution panel sa kinakasa nilang pre-trial conference tungkol sa impeachment trial laban sa Bise Presidente. 

Matatandaang nauna na pinabulaanan ng miyembro ng House prosecution panel at Bicol Saro Partylist Representative na si Congressman Terry Ridon ang mga kumalit na usaping kinain umano nang buhay ng kampo ni VP Sara si lead public prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro sa naganap na pre-trial conference noong Hunyo 18, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Ridon, sinopla tsismis na 'kinain nang buhay' ng VP Sara camp si Rep. Luistro!

Sa naging pahayag naman ni Bantug sa muling pagsisimula ng ikalawang araw ng pre-trial conference kaugnay sa impeachment trial laban sa Bise Presidente nitong Lunes, Hunyo 22, sinabi niyang hindi raw magiging normal na hindi makakita ng palitan o sagutan ng mga naghaharap na abogado. 

“Every time lawyers gather together in a room, we can expect that. It will be unusual if there be no exchanges between the result,” pagsisimula niya. 

National

Bukod sa impeachment charges, kasong sedisyon vs VP Sara, pending pa rin—DOJ

Dagdag pa niya, “Nothing unusual, nothing extra-ordinary. It is something that you will expect whenever lawyers discuss.” 

Ani Bantug, hindi raw totoo ang mga balitang may mag nagkakainan nang buhay sa pre-triam conference at ang tanging masisigurado raw nila ay nagbigay sila ng pagkain mga miyembro ng dalawang kampo. 

Matatandaan kasing inilahad din ni Ridon noong Hunyo 20 na hindi raw sila nagkainan nang buhay sa diskusyon sa unang pre-trial conference ngunit kumain daw sila ng masarap na lumpia mula sa hinain ng Senate Impeachment Court. 

Pagpapatuloy naman ni Bantug, totoo raw na may mga naganap na palitan at sagutan sa pagitan ng mga abogado ngunit maituturing naman daw iyong normal na bagay. 

“There was an exchange, there was a discussion. But again, nothing out of the ordinary. It is something you should expect from lawyers,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang maisagot, iniiwasang sumagot!' Rep. Zia Adiong, tinira kampo ni VP Sara!