July 23, 2026

Home BALITA National

'Walang maisagot, iniiwasang sumagot!' Rep. Zia Adiong, tinira kampo ni VP Sara!

'Walang maisagot, iniiwasang sumagot!' Rep. Zia Adiong, tinira kampo ni VP Sara!
Photo courtesy: HOR, File Photo

Tumirada si Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong sa kampo ni Vice President Sara Duterte na wala raw masagot o iniiwasang sumagot ng mga abogado ng huli kaugnay sa kinakaharap na mga alegasyon ng Bise Presidente. 

Sa naging pahayag ni Adiong sa isinagawa nilang press conference matapos ikinasang pre-trial conference ng impeachment trial laban kay VP Sara nitong Huwebes, Hunyo 18, 2026, kinuwestiyon niya kung bakit pa raw sasayangin ng kampo ng Bise Presidente ang makapagpaliwanag laban sa mga alegasyon laban dito.  

“Ito na sana ‘yong pagkakataon nila. Why waste it?” pagsisimula niya. 

Ani Adiong, batay raw sa kaniyang obserbasyon, maaaring walang masagot o umiiwas lang sumagot ang kampo ni VP Sara tungkol sa mga alegasyon laban sa kaniya. 

“Dalawa lang ang sa akin, ang akin observation that I can only derive for someone or some party who cannot even provide an explicit and direct to the point explanations to these allegations,” aniya. 

National

US Pres. Trump, ipapaalam kay Chinese Pres. XI Jinping 'concerns' ng Pilipinas—Palasyo

Dagdag pa niya, “After more than a month, more than a year, wala talaga silang maisagot or iniiwasan nilang sumagot.” 

Pagpapatuloy ni Adiong, posible raw na hindi seryoso ang kampo ni VP Sara kung hindi rerespetuhin ng mga ito ang Korte kahit sa pamamagitan lang daw sana ng pagbibigay ng paliwanag. 

“At the end of the day, sabi nga ni Cong. Rene [Co], if you don’t give at least respect to the Court by explaining to the Court what really happened, as you are supposed to do, then the explanation is rather you are not serious or talagang feeling mo lang talaga you don’t owe any people any explanation,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, dumalo sa isinagawang pre-trial conference sa impeachment trial laban kay VP Sara ang kampo niya sa pangunguna ni Atty. Michael Poa, at ang mga miyembro ng House prosecution panel sa pangunguna ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro. 

Nakatakda namang pormal na magsimula ang impeachment trial sa Senate impeachment court sa darating na Hulyo 6, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: House Prosecution Panel, pabor kay Sen. Gatchalian bilang presiding officer sa impeachment!

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Adiong sa pagkakasa ng Cayetano bloc ng Blue Ribbon hearing sa labas ng Senado: 'Diversionary tactic!'