Maja at Aiko copy

HANGGANG ngayon ay mapulang-mapula pa rin ang isang mata ni Aiko Melendez na natusok ng kuko ni Maja Salvador habang kinukunan sa taping ang isang eksena nila sa Wildflower.

Kuwento ni Aiko, alalang-alaala sa kanya si Maja pero naiintindihan naman daw niya ang lahat dahil alam niyang nangyayari talaga ang mga ganoong aksidente sa trabaho nila.

Ang naturang eksena ay ‘yung naghampasan sila ni Maja ng cake pero aksidente ngang natusok ng kuko ni Maja ang mata ni Aiko.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Pero sa totoo lang, instead na magreklamo, eh, natutuwa ako sa kinalabasan ng eksena naming ‘yun. So, kahit nasaktan ang mata ko, eh, marami naman ang natanggap kong magagandang mensahe after na napanood nila ang eksena na ‘yun,” patuloy na kuwento ni Akikay.

Ipinalabas last Wednesday ang naturang confrontation scence nina Aiko at Maja.

Ayon kay Aiko, ramdam na ramdam niya daw ang kung ilang ulit na sobrang sinserong panghingi ng sorry ni Maja sa kanya.

“Sabi ko nga, eh, walang problema na ‘yun sa akin pero si Maja, eh, hindi yata natutulog dahil every now and then, eh, panay ang pangungumusta niya sa mata ko,” napatawang banggit pa rin ni Aiko.

Paulit-ulit ding binabanggit ni Aiko na aksidente talaga ang nangyari at hindi raw naman dapat na mag-alala pa nang husto si Maja.

Marami ang nagandahan sa eksena nilang ‘yun ni Maja, katunayan maging ang mga kaibigan nila sa kabilang network ay magaganda rin ang komento sa social media accounts ng mga ito.

“Maraming salamat dahil pinapanood nila yung Wildflower. As promised Seasons 2 will be bolder and wilder. Kaya nga sana huwag silang bumitiw sa kapapanood nila ng Wildflower,” lahad pa ng premyadong aktres. (JIMI ESCALA)