JACLYN AT ANDI LANG_please crop copy

NAGLABAS ng galit sa pamamagitan ng social media si Jaclyn Jose laban kay Jake Ejercito at may kinaalaman ito sa anak nina Jake at Andi Eigenmann at apo niyang si Ellie.

Mahaba ang post ni Jaclyn na for sure, by now, nabasa na ni Jake.

“Jake, ubos na pasensiya ko sa inyo. This is the 1st time I am gonna talk about you and your mom. In public!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinapalabas nio in private that my daughter is not capable in raising Ellie? For that law suit? Kelan ka ba andito?

Kelan namin pinagdamot si Ellie? Pakibalik apo ko kasi bibilhan ko pa ng uniform at school supply! Ano ba bigay nio?

Photos? Posting? Di naman alam ng tao? Publicly kung ano ka bilang ama! Kahit 1 mineral water d kayo nagpadala! 3 years bago nio nalaman? Wag? Pls. Nakikiusap ako sa inyo. June 22 hearing abt what? Na gusto mo pag andito ka sa iyo si Ellie? Ni hindi mo nga kayang ipaglaban sarili mo! Try mo Jake! My grandchild have a good heart you know that I will not allow any one to take that away from her.”

“Pikon na ‘ko! Kasi nahihiram mo naman ang dami evidences na pag andito ka nahihiram mo. You know that your child is so loving and so passionate about life and at 5 you can tell by her action that she wants life and love and compassion and beautiful things. Why take it away from her by having custody? Over what? Ni hindi ka pa nga graduate 27 yrs old ka na. Ano pa ba ang gusto ni Laarni? Kung ma-outgrown mo si Ellie na kini-claim nio na Jan. 3 2014 nio nalaman na inyo usap tayo o usap ako sa public! Nambubuwisit kayo, e! Nakataas man kayo nasa baba man kami maayos palaki ni Andi kay Ellie! Kumusta ka? Professional student? You have studying all your life! Di ka ba naiinis na sa lahat ng viza mo nakalagay student? 27 years ka na student.”

Maraming typo error si Jaclyn at dahil daw ‘yun sa nanginginig siya sa galit. Nagdagdagan pa ang galit niya sa mga nakikisawsaw sa isyu.

“Nanginginig ako in texting sa galit paumanhin sa typo error. Sa mga bashers ni Andi, eto lang ang maireregalo ko sa anak ko na mag-away kami kasi kailangan ko na na magsalita as I always say I kept my silence. Pero wag ang apo ko. I am sorry.

“And I know you will hate me. I don’t care anymore. I’m done with your bashers. You are a good mom, a loving person and some took away that from you. Palagi na lang tayo nagbibigay sa kanila. I am fighting for my grandchild. Please Jake do not let Ellie feel your grievances in life. Just study until you get old. Wag mo idamay si Andi sa problema mo. No one can stop me.”

May mensahe rin si Jaclyn sa bashers na kung anu-ano ang sinasabi laban sa kanya at kay Andi at kumakampi kay Jake.

“Pinalaki ko mag-isa ang anak ko, alam ko kung gaano ko paghirapan ang kakainin niya, ang pambayad tuition fee, at kung paano ako nag-struggle para buhayin ang anak ko. Wag nio ako pagsabihan ng mga hindi magandang salita. Walang kahit na sino ang puwede magsabi ng kahit na ano salita sa anak ko kasi wala kayo alam... Alam ni Laarni Enriquez yan kasi matagal na kami magkakilala. Best friend siya ng ate ko mula’t mula pa hanggang nagkagustuhan si Jake at si Andi, di pa nabubuntis si Andi ayaw na nia kasi magulo daw buhay namin... do you need me to say more? I have more.”

Nanawagan si Jaclyn kay Jake: “Pls let my granddaughter live a normal life... Jake at Laarni. Iurong nio na yang custody at the end of the day si Ellie magdadala nito, maawa kayo sa bata... Kung 3 years alam nio na there must be a reason why. Do you want me to go on?”

Ang sunod na post ni Jaclyn ay parang para kay Laarni:

“Naranasan ko kung saan kukunin tuition. Kailangan ko umiyak ng balde at di matuloy para lang mapalaki ko si Andi.

Kayo nga naman 1 click magagarang sasakyan at alam ko na di mo pinadanas sa mga anak mo, lucky you nasa iyo si Erap na napakabait at talagang saludo ako.

Sana nagmana mga anak mo kay Erap. Yes I admit nakainom ako kasi kailangan ko tumapang kahit alam ko bukas kaaway ko na ang lahat.”

May mensahe rin si Jaclyn sa basher sa: “I-bash nio ako I will take it all. Eto lang ang puwede ko iregalo sa anak ko sa birthday niya. Kayo mga bashers ni Andi, kilala nio ba ang anak ko? Most probably not. I am speaking not for Andi but a grandmother to make Jake and his family not to take this for granted. Na papatulan ko na kayo.”

“I so love Ellie, she is my life. I will not let any one take the innocence, the purity, the naive kind heart so loving passionate to every one take that away from her. I will fight. And if you, Jake almost a year fought or argue of what Andi is capable or not dun nag-umpisa ang lahat. Argument natin sana sa atin lang yun pinalaki mo ito. Dont you feel the purity of my grandchild? She is so lively and living and caring. Not only to you but to Isaiah to Ika to Jacob to your mom and Erap... nakalimutan mo na ba kung paano mo i-push sa bushes yung mag ina kasi di pa alam ng dad mo kung paano nagtiis na mahalin ka ni Andi ng sobra-sobra, pero i-push mo sa bushes kasi anjan dad mo? May amnesia ka, ikaw, mom mo, at lahat ng nakapaligid sa ‘yo kasi perfect kayo. You want more? Ask your mom if she wants more kasi ang dami pa.”

Ang argument ng bashers, joint custody lang ang hinihingi ni Jake, bakit daw ayaw ibigay nina Andi at Jaclyn?

Hindi sinagot ni Jaclyn ang pinupunto ng netizens sa pinaingay niyang isyu. (NITZ MIRALLES)