SINON copy copy

MANGIYAK-NGIYAK sa tuwa ang Internet sensation at King of Catwalk na si Sinon Loresca habang nagkukuwento at nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA na mapabilang sa star-studded cast ng Impostora na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Rafael Rosell at malapit nang mapanood.

“Dati walang pumapansin sa akin,” himutok ng baguhang actor, “walang gustong mag-interview. Pagkatapos pumutok ‘yung rampa video ko sa social media, nakilala na ako. Marami nang gustong kumausap sa akin. Napaka-powerful nitong heels na ito. Alam n’yo naman po ito.”

Sinon plays Maxi, ang rampadorang sidekick ni Kris sa serye. Ito ang kanyang first full-length TV project.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ang saya ko. Pero bakit ako, eh, marami namang aktor na puwedeng gumanap sa role ko,” tila naguguluhang pahayag ng aktor na tubong-Masbate City.

“Inisip ko na lang, there is something special about me. I am quiet unique and too loud, I’m too gay but at the end, I’m too mascular. Plus factor pa, nakapagaling kong mag-catwalk. Buong teleserye, lagi akong naka-high heels,” sabing sinabayanh ng malakas na tawa.

Lilipad patungong London, England si Sinon para mabisita ang kanyang British husband. Kasal sila pero nakiusap siyang huwag nang pangalanan at ayaw din niyang magbigay ng anumang identity ng lalaki.

While on a 2-week holiday in London, magso-shoot na rin daw siya ng kanyang pamosong catwalk sa iba’t ibang tourist spots sa lugar tulad ng London Bridge, Soho, Big Ben at Piccadilly.

Irarampa niya sa London ang kanyang pamosong 10-inch heels at kung kinakailangan daw, haharap siya sa mga terorista.

“Papanindigan ko na ito. This is not gonna stop. Abangan na lang nila sa aking social media account,” pangako ng Rogelio ng #KalyeSerye ng Eat Bulaga. (Lito Mañago)