0608_MauteDavao_02_KeithBacongco copy

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Metro Manila District Jail facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City sa paglipat kahapon ng ama ng Maute brothers at iba pa nitong kamag-anak.

Kinumpirma ng BJMP na nasa kustodiya nila si Engr. Cayamora Maute, 67, at ang pangalawang misis nito na si Kongan Alfonso Balawag; anak na si Norjannah Balawag Maute; at manugang na si Benzarali Tingao.

Dakong 12:00 ng hatinggabi kahapon nang sunduin ng mga tauhan ng BJMP at ng mga sundalo ang nakatatandang Maute at tatlong iba pa sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Pagsapit ng 12:40 ng madaling araw ay dumating ang convoy sa Camp Bagong Diwa at idiniretso sa Special Intensive Care Area 1 facility, kung saan nakapiit ang mga high-profile inmates kabilang ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ng New People’s Army (NPA). (Bella Gamotea)