Nagharap ng reklamo ang isang biyuda laban sa isang intelligence operative makaraang pilitin umano siyang gawan ito ng oral sex upang hindi na magsagawa ng drug operation laban sa kanyang pamilya sa Jaro, Iloilo.
Ayon sa 32-anyos na misis ng sinalvage na drug personality mula sa Jaro, pinilit umano siya ni PO1 Ken Mark Canillo na magsagawa ng oral sex dahil kung hindi papayag ang biyuda ay aarestuhin ng mga pulis ang pamilya nito.
Inireklamo na ng ginang ng rape si Canillo.
Ayon sa reklamo, Hunyo 2 nang magtungo sa bahay ng biktima ang pulis at niyaya siya sa silid bago binilinan ang ibang mga tao sa bahay na patayin ang mga cell phone dahil titingnan ni Canillo kung may naiwan pang shabu ang napaslang na mister ng ginang.
Ngunit pagdating sa silid, sinabi ng biyuda na pinapili umano siya ng pulis kung io-oral sex niya ito o tataniman ng ilegal na droga ang silid. (Fer Taboy)