Untitled-1 copy copy

Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

10 n.u. -- Air Force vs Army (men’s)

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

1 n.h. – Cignal vs Sta. Elena (men’s)

4 n.h. – BaliPure vs Creamline (women’s)

6: 30 n.g. Pocari vs Power Smashers (women’s

HINDI pa tapos ang laban ng Creamline at Power Smashers, gayundin ng Cignal at Air Force.

Kapwa dumaan sa matandang kawikaan na ‘butas ng karayom’ ang dalawang dehadong koponan para maipuwersa ang ‘do-or-die’ sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference best-of-three semifinal series Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Naisalba ng Creamline ang ratsada ng No.1 BaliPure tungo sa 24-26, 25-18, 18-25, 25-16, 16-14 panalo para maitabla ang serye, habang ginulat ng Power Smashers ang No.2 Pocari Sweat, 24-26, 22-25, 25-23, 15-13.

Hataw sa Cool Smashers sina Thai import Kuttika Kaewpin at American reinforcement Laura Schaudt na may tig-23 puntos, habang umiskor si local star Alyssa Valdez ng 22 puntos para mahila ang duwelo sa hangganan.

Sa men’s division, nakaalpas din ang Cignal laban sa Sta. Elena at Air Force kontra Philippine Army.

Nakatakda ang Game 3 ngayon.

Hataw din sina Thai import Kannika Tipachot at Hyapa Amporn sa Power Smashers sa nakubrang 28 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang tumipa si Arellano University standout Jovelyn Prado ng 17 puntos.

“Kailangan lang namin ma-explain lang. Siguro sa mindset lang ng players,” sambit ni Power Smashers coach Nes Pamilar, patungkol sa nakahihinayang na 23-25, 19-25, 25-23, 25-22, 12-15 kabiguan sa Game 1. (Marivic Awitan)