PAULO copy

PAGKATAPOS ng halos dalawang taong paghihintay sa pelikulang ipinangako sa kanya para gampanan ang role ng isa sa ating mga bayani na si Gregorio “Goyong” del Pilar, natuloy din sa wakas ang epic film ni Paulo Avelino.

“Actually, we’ve been preparing for this for quite a long time so I’m very excited and kinda nervous that we’re shooting it now and that we’ve finally started. I think everything is well planned and studied. All the people from production pretty much know what the film is about and what we want to achieve and what we want to show the people,” bungad ni Paulo sa isang panayam.

Nakaka-relate si Paulo sa kuweno ng kabayanihan ni Gregorio del Pilar, ang batambata pero napakatapang na Pilipinong heneral, na namatay sa pakikipaglaban para sa ating kalayaan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napakabata pa ni Goyong nang masawi noong Philippine-American War, siya ay edad 24 lamang noon.

“The part of him that I could relate to is he was carrying a very big burden at a very young age and I kind of could relate to that in a lot of ways. I also learned some things about him that surprised me. That he was once hit by a bullet in the head one time. He was grazed by a bullet during one of his campaigns,” sabi ni Paulo.

Hindi isyu para sa kanya ang sinasabi ng ilang netizens na “too pogi” raw niya kumpara sa totoong Goyong.

“Well, hindi naman too pogi siguro. No, it’s not because Gregorio del Pilar was actually known to be a good looking person and ‘yun nga ‘yung joke about him na may girlfriend siya in every town na nadadaanan niya. There are actually letters na marami ‘ata talaga siyang naging girls,” kuwento ni Paulo.

Gaya rin ba siya ni Goyong na playboy kaya nagkakaproblema sa rami ng girlfriend?

“Hindi naman. I’m a very loyal person ,” sabay tawa.

Magkasama uli sila ng dati niyang direktor sa Heneral Luna na si Director Jerrold Tarog.

“It’s always a treat to work with Direk Jerrold Tarog. This guy is just some crazy person who likes making films and surprising everyone with what he has in store and what he wants to show and he’s a very creative and artistic person.

Maybe a unique thing about Direk Jerrold is he actually gives his actors a lot of freedom to work around,” pagtatapos ng aktor. (Ador Saluta)