CABANATUAN CITY - Tatlong tama ng bala ang ikinasawi ng isang 22-anyos na binata makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin habang natutulog sa Freedom Park sa Purok I sa Barangay Sangitan West sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktimang si Rafael Acuña Jr., y Sapang, binata, ng Imperial Homes, Bgy. Bakod Bayan, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kaagad na binawian ng buhay.

Dakong 11:50 ng gabi at natutulog sa parke ang biktima nang lapitan ng mga salarin at paulit-ulit na pinaputukan nang malapitan bago tumakas.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan