Kalaboso ang isang janitor matapos siyang maaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng pinagtatrabahuhang Japanese restaurant sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) si Erold John Garcia, 23, binata, janitor, ng Tramo Street, Pasay City.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 9, dakong 2:30 ng umaga nang maaresto si Garcia ni Angelito Palatao, bouncer/security ng Yakitori Dori Bar sa M.H. del Pilar Street sa Malate.

Nagsasagawa umano ng daily routine si Palatao sa loob ng naturang establisimyento nang maaktuhan umano ang suspek na bumabatak ng shabu kaya kaagad itong inaresto at dinala sa presinto.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu, aluminum foil at lighter. (Mary Ann Santiago)