Judy Ann at ang ‘babynaryos’

HINDI lang napapasaya at nabibigyan ng bonding time ang pamilya sa hit ABS-CBN game show na Bet On Your Baby kundi nabago rin ang buhay nila dahil sa dalang suwerte ng kanilang munting mga tsikiting na sa murang edad ay kinilala na bilang “babynaryos” o mga baby na milyonaryo.

Sa muling pagbabalik ng cutest game show sa Philippine television sa pangunguna ni Judy Ann Santos-Agoncillo, may pagkakataon na uli ang mga baby at ang kanilang mommies at daddies para magwagi ng P1 milyon na tiyak makakatulong sa pangangailangan ng pamilya.

 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Isa sa mga nabago ang buhay ay ang pamilya ni Baby Andot na dati ay nakatira lamang sa ilalim ng tulay. Bagamat noong may pag-aalinlangan noong una ay sumugal pa rin ang pamilya Icapin na pumunta ng studio para mag-audition.

 

Gamit ang hiniram na mga damit sa kapitbahay, naglaro sila at umuwing may bagong bahay at lupa.

 

“Hindi talaga kami nakatulog kasi iniisip naming panaginip lang na nanalo kami ng house and lot. Ang laking pagbabago kasi nagkaroon kami ng bahay at may sarili na rin kaming tricycle,” sabi ng inang si Badet.

 

Pag-asa naman para sa mas magandang bukas ang ibinigay ng Bet On Your Baby kay Baby Hans at sa pamilya Apuhin na nanalo ng P1 milyon.

 

“Hindi ko kikitain sa pagtanda ko iyong napalanunan namin. Napakapagtayo na kami ngayon ng computer shop. Sobrang pagpapala iyong magtayo ka ng isang business kasi doon mo masisimulan iyong mga pangarap mo para sa pamilya,” sabi ng inang si Queen.

 

Bukod sa computer shop, nagbigay din sila ng bahagi ng napanalunan nila sa simbahan, nag-invest para na rin sa future ni Baby Hans, at kasalukuyan ding nag-aaral ng auto mechanic ang amang si Roldan para magkaroon ng tuluy-tuloy na pagkakitaan.

 

Hindi naman mabibili ng anumang halaga ang nakamit ng Arvesu family na manalo ng house and lot sa programa. Sa loob ng maraming taon ay nagtatrabaho sa Taiwan ang ina ng babynaryo na si Baby Hannah para matustusan ang pangangailangan nila at makapag-ipon ng pampagawa ng sariling bahay.

 

“Isang malaking pagbabago sa buhay namin ito kasi dati pangarap lang sa amin iyong magkabahay at lupa. Hindi na niya kailangan Mag-OFW pa,” sabi ng amang si Peejay.

 

Ang pilot week ng Bet On Your Baby ay agad na tinutukan at nagkamit ng national TV ratings na 15.1% at 11.7% kumpara sa katapat na programa na may 11.8% at 9.7% lang noong Sabado at Linggo (Mayo 13 at 14), ayon sa data ng Kantar Media.

 

Nagkaroon agad ng unang babynaryo sa edisyong ito, walang iba kundi si Baby Mela nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

 

Sino pa kaya ang celebrity babies o families ang maglalaro this week? May sumunod kaya agad sa yapak ni Baby Mela?

Panoorin ang cutest game show sa Philippine TV, ang Bet On Your Baby tuwing Sabado, 5:15 PM, at Linggo, 5 PM sa ABS-CBN.