nuts copy

Ilang uri ng tree nuts, gaya ng almond, pecan, walnut, hazelnut at cashew ang iniugnay sa pagbaba ng panganib na bumalik ang colon cancer, ayon sa mga mananaliksik.

Ang observational study sa 826 pasyente na sumailalim sa treatment para sa stage III colon cancer, na karaniwang kinabibilangan ng surgery at chemotherapy.

Ang mga pasyenteng ito – na ang cancer ay hindi kumalat sa ibang bahagi ng katawan -- ay mayroong 70 porsiyentong posibilidad na mabuhay ng tatlong taon pagkatapos gamutin.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

May 19 na porsiyento ng mga pasyente na kumain ng 2 ounce o mahigit pa ng lahat ng uri ng nuts kada linggo.

Ang mga nut-eater na ito ay bumaba ng 42% ang posibilidad na bumalik ang cancer -- at 57% na mas mababa ang posibilidad na mamatay kaysa mga pasyente na hindi kumain ng nuts matapos makumpleto ang kanilang cancer treatment, saad sa ulat na inilabas bago ang American Society for Clinical Oncology (ASCO) annual meeting sa Chicago ngayong Hunyo 2-6.

Nang tingnan ng mga mananaliksik ang kumain ng 3 ounce ng tree nut, ang posibilidad na bumalik ang colon cancer ay 46% na mas mababa at ang posibilidad na mamatay ay mas bumaba ng 53% kaysa mga kumain ng two ounces per week, kumpara sa mga taong hindi kumain ng nuts.

Tila walang epekto ang mani at peanut butter -- ang pinakakaraniwnag kinakain na nuts.

“Numerous studies in the fields of heart disease and diabetes have shown the benefits of nut consumption, and we felt that it was important to determine if these benefits could also apply to colorectal cancer patients,” sabi ng lead study author na si Temidayo Fadelu, clinical fellow sa medicine sa Dana Farber Cancer Institute.

“Patients with advanced disease who benefit from chemotherapy frequently ask what else they can do to reduce their chances of recurrence or death, and our study is an important contribution to the idea that modifying diet and physical activity can be beneficial.”

Gayunman, sinabi ng mga eksperto na ang pagkain ng nuts ay hindi dapat ikonsidera na pampalit sa standard chemotherapy at iba pang treatments para sa colon cancer.

“Rather, patients with colon cancer should be optimistic, and they should eat a healthy diet, including tree nuts, which may not only keep them healthier, but may also further decrease the chances of the cancer coming back,” sabi ni ASCO president Daniel Hayes. (AFP)