BACK to her old self na naman ang kilalang personalidad na inakala ng lahat na mga taga-production (film and TV) na nagbago na dahil nga nangako na sa kanyang pagbabalik ay ‘everything changed’ na kuno.

Pati ang pisikal nitong anyo ay nabago na rin para makakuha siya ng maraming projects, na nangyari naman.

Sa mga unang project ng kilalang personalidad ay napabilib niya ang mga kasama sa show at mga taga-production, kasi nga naman mas maaga pa sa call time ang dating niya bukod pa sa naka-ready na siya.

Ilang buwan ding tumagal na professional na nga ang kilalang personalidad, kaya puring-puri na talaga siya ng lahat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasi nga nagbago na. Kuno.

Kasi hindi naman pala, dahil unti-unti na namang bumabalik sa dating ugali ang kilalang personalidad at ang pinaka-worst ay pinaghintay niya ang mga kasama niya sa show ng napakatagal.

Bago raw maghapunan ang call time ng kilalang personalidad sa show, pero dumating siyang almost midnight snack na.

Kaya nabaliw ang lahat ng nasa production bukod pa sa ibang kasama sa show na nagkansela ng mga lakad dahil sa kilalang personalidad na super-mega-late dumating.

Siyempre curious kami kung bakit ganu’n si Kilalang Personalidad, bakit ayaw niyang mag-adjust para sa mga katrabaho niya?

“Eh, kasi siguro wala siyang karibal ngayon, kasi ‘yung mga karibal niya before sa network, waley na,” opinyon ng mga nakarinig ng kuwento.

Hmmm, hindi kaya ramdam ng kilalang personalidad na buwisit na naman sa kanya ang mga katrabaho kaya kung anu-ano na naman ang drama niya sa buhay? (Reggee Bonoan)