BARBIE AT KEN copy

SA huli naming item tungkol kay Ken Chan, tila may pinagdadaanan siya batay na rin sa kanyang post sa social media na isang “IKAW” ang kanyang tinukoy. Kaya nang bumisita kami sa taping ng Meant To Be, siya kaagad ang una naming kinumusta.

“I’m okay! Isang araw lang naman ako medyo naapektuhan sa mga nabasa ko at pagkatapos kong ilabas ang nararamdaman, okay na ako. Ako ang taong hindi mahilig mag-post o mag-tweet ng negative, gusto ko puro positive. Hindi lang maiwasang mag-post ng sabi n’yo, hugot,” panimulang sabi ni Ken.

In general daw ang tinukoy niya sa kanyang post at kasama ang bashers niya. Pero ayaw naming maniwala. Kalaunan, inamin niyang may isang partikular na taong in-address niya sa kanyang post.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Hindi ako nasaktan sa ginawa ng taong ‘yun, kailangan ko lang mag-react dahil naapektuhan ang mga tao sa paligid ko.

Saka, matagal na niyang ginagawa ‘yun sa akin, kailangan ko nang mag-react,” pahayag ni Ken.

Walang binanggit na pangalan si Ken at hindi na rin namin inalam kung sino ito, lalo’t naayos na raw kung may isyu man ito laban sa kanya. Ayaw din ni Ken ng negative vibes, kaya dapat mag-move on na ang fans niya, lalo’t tuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.

Maganda pa rin ang ratings ng Meant To Be na inaabangan ang ending sa June 23. Hindi pa alam ni Ken kung sino sa kanila nina Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto ang pipiliin ni Barbie Forteza sa pagwawakas ng rom-com series.

For his next show sa GMA-7, ang alam ni Ken, paghihiwalayin sila nina Barbie, Ivan, Addy at Jak. Walang alam si Ken sa tsikang baka sina Barbie at Jak na ang pagtambalin dahil ang mga ito raw ang “real couple.”

Ano nga ang masasabi niya na sina Barbie at Jak daw ang “real couple?”

“I don’t care at wala akong pakialam at ayaw kong makialam sa personal na buhay ng mga kasama ko. Basta ako, magtatrabaho lang at gusto ko lang gawin ang trabaho ko. Susundin ko ang script, ang personal na buhay ng mga kasama ko, hindi ko na pakikialalaman.”

Alam ni Ken na may KenBie Fans sila ni Barbie, may AddBie Fans sina Barbie at Addy at VanBie fans sina Ivan at Barbie na na-disappoint sa paglabas ng tsikang sina Barbie at Jak na. Pero hindi raw maiiwasan ‘yun at hindi pa niya nakakausap ang fans nila ni Barbie. Pero kung gagayahin nila ang attitude ni Ken, huwag na rin nilang panghimasukan ang personal na buhay ng dalawa.

Anyway, sa Sunday, lilipad si Ken at ibang cast ng Meant To Be papuntang Singapore para sa four-day taping ng rom-com series. First time ng karamihan sa kanila sa Singapore, kaya excited sila. Bukod sa taping, makakapasyal at makakapag-bonding sila na kailangan para mas tumibay pa ang samahan at friendship nila na nabuo habang ginagawa ang rom-com series na mahusay naidirehe ni LA Madridejos. (NITZ MIRALLES)