BATANGAS CITY - Tatlong katao ang iniulat ng pulisya na napatay sa engkuwentro sa One Time Big Time operation sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas.

Napatay si Manolo Serrano sa bayan ng Tuy; si Charlie Macapuno, chairman ng Poblacion 1 sa bayan ng Laurel; at si Patrick Oruga sa Tanauan City.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nasa 132 katao ang naaresto sa bisa ng 64 na search warrant at 25 na warrant of arrest sa pagkakadawit sa ilegal na droga at ilegal na armas nitong Martes at Miyerkules.

Nakakumpiska rin ang pulisya ng 256 na sachet ng hinihinalang shabu at marijuana, habang 33 armas at dalawang granada ang nakumpiska. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?