LIZA_for ador item copy

PINADALHAN ni Angel Locsin ng mga lumang Darna komiks si Liza Soberano nang i-announce ng Star Cinema na ang young actress na ang gaganap bilang Darna.

Ibinahagi ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa Facebook ang ilang photos ng kanyang alaga na hawak-hawak ang naturang comic books.

“’Yang mga magazines na ‘yan, bigay sa kanya ni Angel Locsin. Ibig sabihin, gusto ni Angel si Liza gumanap na Darna,” saad ni Ogie sa post.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi daw ni Liza sa kanya, “’Di pa po kami uli nagkikita. Pero ‘pag nakita ko po siya, I will thank her po for the opportunity and these Darna komiks.”

Nagkipag-meeting si Liza sa ABS-CBN executives last Tuesday, saka siya in-inform tungkol sa magandang balita.

Kinagabihan, unang ibinalita sa TV Patrol ang pagkakapili sa kanya para gumanap as Darna.

“Yes, it’s confirmed. Tinatanggap ko na po ang role na Darna,” masayang pahayag ni Liza sa interbyu ng TV Patrol.

“Sobrang na-excite po ako saka siyempre, happy. I feel really honored to be able to don the iconic costume and to be able to embody what Darna represents.

“Medyo nervous po, siyempre. ‘Yung expectations ng mga tao... Ang gagawin ko na lang po, give my 100... more than 100 percent best sa project na ito.”

Noon pa nga ba inialok sa kanya ang Darna?

“When they offered the role to me, gusto ko po talaga. I feel like it will help me career-wise and also I’m hoping that as an actor, mas marami pa akong matutunan.”

Bilang paghahanda sa role na Darna, magsisimula nang mag-traning ng self-defense routines si Liza. (ADOR SALUTA)