Patay ang isang dalagita nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo sa Barangay Parang, Marikina City kamakalawa.
Naisugod pa sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si Angel Tiomico, 14, ng Barangay Parang, ngunit nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.
Samantala, arestado at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Joseph Santos, nasa hustong gulang.
Sa ulat ng Mariking City Police, dakong 10:25 ng gabi nangyari ang aksidente sa Bagong Silang Street sa Bgy. Parang.
Tumawid umano ang biktima at hindi napansin ang paparating na Honda XRM motorcycle (9717-SP), na minamaneho ni Santos, at siya ay nabangga at nabagok matapos tumilapon ng ilang metro. (Mary Ann Santiago)