Anim na katao ang inaresto ng Muntinlupa City Police sa anti-illegal drugs operation sa lungsod, nitong Martes ng gabi.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Carlo Jay Cabilangan, Albert Butulan, Mel Jason Fernandez, Felipe Berja, Allan Lorete at Eugene Eligarco na pawang nasa hustong gulang at residente sa T. Laurel Compound, Barangay Putatan, Muntinlupa.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar ng mga suspek at agad ikinasa ang operasyon.

Pagdating ng awtoridad sa lugar, nahuli nila sa aktong bumabatak ang mga suspek at isa-isang inaresto.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Bella Gamotea)