Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mas pinaigting na pagtugis sa mga taong nasa likod ng magkasunod na pambobomba, na ikinamatay ng dalawang katao, sa Quiapo noong Mayo 6.

Ito ay matapos pauwiin ng Manila Police District (MPD) ang tatlong persons of interest na sina Halid Macatanong, Aamir Shahzad Khan at Joanne Palmiano, pawang nasa hustong gulang.

Ayon kay MPD Director Police Chief Supt. Joel Coronel, wala silang sapat na ebidensiya para ituring na suspek ang tatlo kaya pinauwi na nila ang mga ito.

Kumpiyansa naman si Estrada na mareresolba ng MPD ang kaso sa lalong madaling panahon.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

“I trust MPD to solve this case in due time,” pahayag ni Estrada. “I have ordered General Coronel to utilize all legal means to capture the perpetrators.” (Mary Ann Santiago)