MARTIN copy copy

HINDI nag-aksaya ng panahon si Martin Nievera sa pagpapahayag ng kanyang saloobin hinggil sa bombing incident sa Manchester habang nagtatanghal si Ariana Grande na marami ang nasawi at nasugatan.

Sa kanyang Twitter account inihayag ni Martin na ang pinakamahalaga sa anumang concert sa mundo ay ang mga taong pumupunta para manood. Hindi man daw siya kilala ni Ariana sa personal ay magkapamilya tayong lahat sa industriya ng musika.

“My heart breaks for you and your fans and I send you prayers all the way from the Philippines. God bless all those affected in this horrible tragedy in Manchester. We are behind you in this time of sadness and confusion and our every song in every show from this day forward is dedicated to lives lost on this day.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dahil sa malagim na pangyayari ay kinansela ang world tour ni Ariana. Wala pang opisyal na pahayag kung kasamang makakansela ang concert niya rito sa Pilipinas na may naka-schedule rin siyang pagtatanghal. (REMY UMEREZ)