MARIAN ZIA AT DINGDONG copy

HINDI na kami magugulat kung ma-sold out ang Father’s Day issue ng Esquire magazine dahil cover ang mag-amang sina Dingdong Dantes at Zia.

Napakaganda ng picture na kuha sa mag-ama habang hawak ng right palm ni Dingdong si Zia.

Parang lalo pang gumanda ang magazine cover nina Dingdong at Zia nang i-post ni Marian sa Instagram at lagyan ng caption na, “Family is life’s greatest blessing, I’m so blessed to have you both in my life. #Priceless #ProudToBeNanay #BreastFedBabyZ.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kabilang sa 130,879 na nag-like (as of 12:00 ng tanghali kahapon) sa ipinost na picture ng cover ng magazine si Carla Abellana. Lahat ng napakarami ring nagkomento ay tuwang-tuwa sa first magazine cover ng mag-ama.

Hayun, marami ang nagre-request ng more magazine covers with the Dantes family.

Sa interview kay Marian, nabanggit na malaking bagay sa kanya na nabigyan siya ng chance na maging wife ni Dingdong at maging ina ni Zia. Bini-breastfeed pa rin niya ang anak kahit one year and six months na ito.

“Hanggang may milk ako ibibigay ko sa kanya at patuloy ko siyang ibi-breastfeed,” pahayag ni Marian.

Sa nagtatanong kung kailan nila susundan ni Dingdong si Zia, “After siguro ng soap ko, sana pagkalooban uli kami ng baby,” sagot ni Marian.

Ang The Good Teacher ang tinutukoy na soap ni Marian na eere before the year ends. Ididirihe ito ni LA Madridejos at makakasama ni Marian sa cast sina Helen Gamboa, Al Tantay at maraming Kapuso talents. (NITZ MIRALLES)