DINGDONG AT ZIA_option photo ang malaki copy copy

SINA Dingdong Dantes at Marian Rivera ang naimbitahan para sa celebration ng Philippine Independence Day sa Vallejo at Carson City sa California sa susunod na buwan. Ikinatuwa ng mag-asawa ang imbitasyong ito ng mga kababayan natin sa Amerika.

“We’re excited to celebrate a very important event in Philippine history with our Kapuso abroad,” sabi ni Dingdong.

“Isang karangalan po na makasama sila sa Pista ng Nayon sa Vallejo, California para magbigay ng saya sa mga kababayan natin doon,” sabi naman ni Marian.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Aalis patungong California sina Dingdong at Marian, of course kasama ang unica hija nilang si Baby Letizia, para sa June 3 event sa Vallejo Waterfront, Mare Island Way. Ang performances ng Dongyan couple ang magiging highlight ng whole day celebration alongside with a string of cultural presentation courtesy of talented Fil-Am artists.

Magkakaroon din ng parade na pangungunahan ng Filipino-American leaders, dignitaries, at iba pang mga VIPs.

May celebration ding magaganap sa June 10 sa Carson City Veterans Park tampok pa rin silang mag-asawa.

Samantala sa kabila ng pagiging busy ni Marian sa iba’t ibang events, patuloy na lumalakas ang business niyang Flora Vida by Marian at nagpapasalamat siya sa tuluy-tuloy na pagdating ng orders sa pamamagitan ng email sa [email protected]. Lahat naman ng orders ay on time nilang naidi-deliver.

Pagbalik nina Marian from the US, magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Good Teacher. (Nora Calderon)