ALEX copy copy

“BAHALA na si Lord, ha-ha-ha!” pabirong sagot sa amin ni Bb. Joyce Bernal nang makausap namin kahapon nu’ng banggitin namin na ang La Luna Sangre ang makakatapat nila pagkatapos ng My Dear Heart na tatlong linggo pang eere.

Tinawagan namin ang direktor ng serye nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva kung totoo ang nabalitaan namin na dalawang buwan lang eere ang My Love From The Star.

“Mga eleven weeks, kasi ganu’n lang ang kontrata sa Korea. Di ba sa Korea twice a week lang ipinalalabas ang koreanovela nila? So if ever na ma-extend kami, one week lang ang allowed,” paliwanag sa amin ng lady director.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nabanggit namin na My Dear Heart ang ABS-CBN ang makakatapat ng programang hawak niya sa GMA-7, tatlong linggo pa itong mapapanood pero hindi naman siya nag-comment.

Nang binanggit namin na ang fantaserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ang papalit sa My Dear Heart ay naloka na at sabay sabing, “Bahala na si Lord, ha-ha-ha.”

Samantala, naaliw kami sa komento ng isang katoto na kamukha raw ni Alex Gonzaga ang leading man ni Jennylyn na si Gil Cuerva sabay pakita ng picture nitong may kaparehong anggulo ng TV host/actress.

“Ang ganda ni Gil, oh, kamukha ni Alex. Mas maganda pa nga siya kay Alex, eh. ‘Buti na lang maganda si Jennylyn kung nagkataon, mas maganda pa sa kanya ang leading man niya,” sabi sa amin. (REGGEE BONOAN)