ALDEN copy

PAGKATAPOS ng matagumpay na finale ng Destined To Be Yours teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza kagabi, magkasamang muli mamayang gabi ang magka-love team sa first major concert ng Pambansang Bae, ang sold-out after three days of online selling na Alden Upsurge sa Kia Theater in Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Si Maine ang very special guest ni Alden kasama rin ang best friends niyang sina Mark Herras, Kristoffer Martin at Rodjun Cruz. Makiki-jamming din si Alden sa mahusay na composer-singer na si Ruben Marasigan, at ang Maneuvers naman ang magpu-provide ng dance moves nila.

Wala kaming idea sa magiging eksena ng paggi-guest ni Maine, basta ang sabi raw ni Alden, lahat ng gagawin nila ngayong gabi ni Maine ay hindi scripted, sila lang dalawa ang nag-isip, pati na ang dance number na inihanda nila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May special benefits naman ang producer ng concert, ang GMA Records, sa first 300 VIP ticket holders ng concert ni Alden. Una, puwede silang manood for 20 minutes ng rehearsal ni Alden mamayang 3:00 PM. Magkakaroon ng registration simula 1:30 hanggang 2:30 PM at magsisimula na silang magpapasok at 2:45 PM. Tatagal hanggang 3:20 PM ang rehearsal at pagkatapos ay i-escort-an na sila palabas ng Kia Theater at saka muling papasok sa pagbubukas ng theater at 5:00PM.

Ipinaalaala ng GMA Records na during the rehearsal, strictly bawal ang picture taking, no video and audio recording, no mobile services. Ang mga hindi susunod, tatanggalan ng wristband na ibinigay sa kanila bago sila pumasok sa venue, para hindi sila makapagpa-group photo op kay Alden pagkatapos ng concert.

During the concert proper, bawal ipasok sa loob ng Kia Theater ang LED boards, bawal din ang light/glow stickers, ang Kia ang magbebenta ng light sticks at the theater. Mga tarpaulin lamang na may maximum size of 1ft x 3ft ang papayagang maipasok sa loob ng theater.

Good luck Alden Richards, guests and the production staff of the concert! (NORA CALDERON)