INILUNSAD na ng pamunuan ng Rizaleño Awards Group ang paghahanap ng mga natatanging Rizaleño na nagtagumpay sa iba’t ibang propesyon. Nagbigay ng karangalan hindi lamang sa Rizal, kundi maging sa ating bansa sa kabuuan. Namumukod at may makabuluhang nagawa sa kanilang larangan. Inspirasyon sa mga Rizaleño para gumawa ng kabutihan at tumulong sa pag-unlad ng lalawigan.

Sa bahagi ng pahayag ni Prof. Ver Esguera, chairman ng Rizaleño Awards Group, publisher at chief editor ng SULO Rizaleño magazine, ang mga mapipiling natatanging Rizaleño ay pararangalan at kikilalanin sa darating na Hunyo 21, 2017 kaugnay ng paggunita at pagdiriwang ng ika-156 na kaarawan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ito ang ikaanim na taon na magkakaloob ng GAWAD RIZAL ang pamunuan ng Rizaleño Awards Group. Ang pagkilala sa mga outstanding Rizaleño ay gaganapin sa SM Masinag, Antipolo City, Rizal.

Malugod at mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, si Mayor David Navarro, ng Clarin, Misamis Occidental, sa Lakbay-Aral tungkol sa “Enhancement of Suman Production” nitong Mayo 16, 2017.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

Ayon kay Mayor Ynares, “Isang karangalan para sa amin na napili ang lungsod ng Antipolo na maging tampok sa proyekto ng munisipalidad ng Clarin. Nawa’y nakatulong po sa kanila ang aming tradisyon sa paggawa ng suman at ang mga inobasyong ginawa namin dito.

“Napapanahon at angkop na angkop po ang kanilang pagbisita sapagkat sa kasalukuyan po ay ipinagdiriwang natin ang ‘Maytime Festival’ na ipinakikita ang makukulay na tradisyon ng mga Antipolenyo. Taun-taon po ay dinarayo tayo ng mga tao rito sa Antipolo upang tikman ang ating mangga, kasoy lalo na ang suman.”

Matapos bisitahin ang isa sa mga kilalang suman producer sa Antipolo, namangha ang mga taga-Clarin, Misamis Occidental sa “Kampil”, ang dahon ng niyog na ginagamit ng mga taga-Antipolo na pambalot sa suman. Nasabi ni Mayor Navaro na maraming Kampil sa kanilang bayan ngunit hindi niya akalain na maaari pala itong gamitin na pambalot ng suman. Sa Clarin, Misamis Occidental ay dahon ng saging ang madalas nilang gamitin na pambalot ng suman.

Bago umalis ang mayor ng Clarin, Misamis Occidental at ang kanyang mga kasama ay nagkaroon din sila ng pagkakataon na pasyalan ang Hinulugang Taktak na isa nang tourist destination sa Antipolo. Binisita at nagdasal din sila sa Mahal na Birhen ng Antipolo na ang dambana ay nasa Katedral ng Antipolo. (Clemen Bautista)