Lito Lapid, Coco Martin, and Mark Lapid copy

SUNUD-SUNOD na pasabog ang inihandog ng FPJ’s Ang Probinsyano na humantong sa maaksiyong pagkamatay ni Joaquin (Arjo Atayde) pero nagsisimula pa lang ang mga sorpresa dahil agad sumunod ang pagpasok ng mga bagong karakter sa aksiyon-serye.

Kaya hindi kataka-takang nananatili ang pamamayagpag nito sa ratings game sa buong bansa.

Mas pinanood ang Probinsyano kumpara sa pag-uumpisa ng bagong katapat nitong Lunes (May 22), at patuloy ang mainit na suporta sa show hanggang Martes (May 23) at Miyerkules (May 24) sa pagtala nito ng national TV ratings na 43.3% at 42.7%, kumpara sa 20.6% at 21.1% ng Mulawin vs. Ravena, ayon sa viewership survey data ng Kantar Media.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ngayong nabigyan na ng hustisya ni Cardo (Coco Martin) ang pagkamatay ng kanyang kakambal na si Ador, panibagong kabanata na ang kanyang haharapin sa pagpasok ng mga bagong karakter na magdadagdag aksiyon at magbibigay aral sa pamilyang Pilipino gabi-gabi.

Abangan ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor ng industriya na pinangungunahan ng Filipino action movie icon na si Lito Lapid, kasama ang anak at respetadong action star na si Mark Lapid, at multi-awarded actor at bida sa pelikulang Heneral Luna na si John Arcilla na lalong magpapakapit sa mga manonood sa kanilang telebisyon.

Muli namang magsasama ang mga bituin ng Till I Met You at mga premyadong aktres na sina Pokwang at Angel Aquino para magbigay ng panibagong kulay sa serye sa kanilang kakaibang karakter na gagampanan. Hindi rin dapat palampasin ang muling pagganap sa teleserye ng OPM icon na si Mitch Valdez na muling magpapakita ng kanyang galing sa pag-arte.

Kasama ring magdadala ng aksiyon ang It’s Showtime host at award-winning actor na si Jhong Hilario, pati na rin ang Gawad Urian awardee at nagbabalik-Kapamilya na si Sid Lucero.

Mula naman sa seryeng Dugong Buhay, muling mapapanood sina Ejay Falcon at Yam Concepcion na magpapamalas ng kanilang galing pagdating sa aksiyon kasama ang award-winning indie actor na si Ronwaldo Martin.

Huwag palampasin ang bagong kabanata ng FPJ’s Ang Probinsyano, ang numero unong primetime teleserye, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.