NAIS ni Senator Sonny Angara na bigyan ng parangal ang Gilas Pilipinas at Batang Gilas basketball team dahil sa pagsungkit nito sa gintong medalya sa kaatatapos lamang na 2017 SEABA (Southeast Asian Basketball Association) sa Manila.

Aniya, hindi biro ang 36–game winning streak ng Gilas mula pa noong 1996 at manatiling hari ng basketball sa rehiyon.Gayundin, ang Batang Gilas na matagumpay din ang kampanya sa nakalipas na mga taon.

Walang mantsang tinapos na koponan ang SEABA tilt sa pamamagitan ng 97-64 paglampaso sa Indonesian Team.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Tayo po ay nakiisa sa milyon-milyong Pilipinong nagbubunyi sa pagkakapanalo ng ating Gilas Pilipinas. Isa na naman itong patunay na tayong mga Pilipino ay magagaling, anumang larangan ang ating pasukin,” ani Angara.

Higit sa lahat ang panalo ng Pilipinas ay nagbigay daan naman para makapasok tayo sa FIBA Asia Cup ngayong Augusto sa Lebanon at sa Asia Qualifier sa Nobyembre na magdedetermina kung sino ang makakapaglaro sa 2019 FIBA World Cup.

“What the Gilas Pilipinas has shown us is that we can compete and win in international competitions if we just put our collective minds to it. That’s my basis why I believe there is a need for a strong partnership and cooperation between the government and various NSA’s such as the SBP,” phayag ni Angara, chairman din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). (Leonel M. Abasola)