JERUSALEM (AFP) – Bumisita si US President Donald Trump sa Jerusalem kahapon sa layuning makahanap ng mga paraan upang matamo ang kapayapaan sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

Ang pagbisita ni Trump ay bahagi ng kanyang unang biyahe sa ibang bansa bilang pangulo. Una siyang dumaan sa Saudi Arabia, kung saan hinimok niya ang mga lider ng Islam na manindigan laban sa karahasan na ginagawa sa ngalan ng relihiyon.

Dumating si Trump sa Tel Aviv, Lunes ng hapon bago ang pag-uusap nila ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu dakong 6:00 ng gabi. Bibisita siya sa dalawang iconic sites sa Jerusalem, isang banal na lungsod para sa mga Muslim, Kristiyano at Jew.

Una siyang dadaan sa Church of the Holy Sepulchre, na itinayo sa lugar kung saan pinaniniwalaang inilibing at bumangon si Jesus.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Pagkatapos ay inaasahan na siya ang magiging unang nakaupong US president na bumisita sa Western Wall, ang pinakabanal na lugar kung saan maaaring manalangin ang mga Jew, sa silangan ng Jerusalem.