Labingdalawang oras na mawawalan ng supply ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas City simula ngayong Lunes hanggang bukas, Mayo 22-23, ayon sa abiso ng Maynilad kahapon.

Sinabi ng Maynilad na simula 7:00 ng gabi ngayong Lunes hanggang 7:00 ng umaga bukas, Martes, mawawalan ng tubig ang mga barangay ng CAA, Elias Aldana, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Talon Uno, at Talon Dos sa Las Piñas.

Magsasagawa ang Maynilad ng pipe network upgrade sa siyudad para patuloy na mapabuti ang serbisyo ng patubig sa West Zone.

Nilinaw din ng Maynilad na posibleng bahagyang maantala ang pagbabalik ng supply ng tubig pagkatapos na maayos ang mga tubo bago bumalik sa normal ang serbisyo nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa 12 oras na pagkawala ng supply nito. - Bella Gamotea