MAGANDA ang sagot ni Jessy Mendiola na, “OK lang, deserve naman niya yun” nang tanungin ng isa niyang follower sa Instagram kung ano ang masasabi niya na mukhang magiging Hall of Famer na si Angel Locsin sa FHM.

Pero kahit maganda ang sagot ni Jessy, hindi pa rin siya pinaniwalaan ng netizens na nakabasa sa kanyang sagot.

Plastic daw ang Girlfriend ni Luis Manzano at may nag-akusa namang sarcastic ang kanyang sagot. 

Pero may pumuri rin naman kay Jessy. She has a good heart daw sa sinabi niya tungkol kay Angel. Ang gandang hingan ng reaksiyon ni Angel, siya naman ang tanungin kung ano ang masasabi sa sagot ni Jessy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa nagtanong kay Jessy kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 10 sa initial result ng FHM, ang sagot ni Jessy, “Kasi nakapasok na ‘ko last year ok na ‘yun, iba naman.” (Nitz Miralles)