Ni BETH CAMIA

Dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase, inihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Ernesto Perez na bahagya nang tumaas ang presyo ng notebook, pad paper, krayola, lapis, at ballpen sa mga pamilihan.

“Out of siguro mga 5 to 8 leading brands, sa notebook, mga lima lang ang nagtaas. Ang price change ranges from 4-10 percent sa notebooks. Sa pad paper, dalawang brands lang ang nagtaas. Sa crayons naman, tatlong brands ang nagtaas. Sa pencil, mga apat, (hanggang) lima ang nagtaas,” sabi ni Perez.

Bagamat may mga brand na bahagya nang nagtaas ng presyo, may ilang school items din ang hindi nagbago ang halaga.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Wala pa namang namo-monitor na paggalaw sa presyo ng pambura, ruler, at pantasa.

Nauna rito, nakipagpulong ang DTI sa mga manufacturer ng school supplies nitong Abril 20, at nabuo sa pulong ang 2017 Price Guide, o gabay sa pamimili ng school supplies.

Nakalista roon ang mga brand ng school supplies at ang suggested retail price ng manufacturers. Makikita ng mga mamimili ang nasabing price guide sa website ng DTI, bukod pa sa ipakakalat ang posters nito sa mga pamilihan sa bansa.

“Hindi lang po ang tingnan natin ay suggested retail price. Tingnan din po natin ‘yung quality. Halimbawa, sa pad, sa notebook, tingnan po natin ang number of pages, tingnan po natin ang labelling, name ng manufacturer, brand. Para kung magkaroon ng diperensiya, madali po nating mate-trace kung sino ‘yun (nagbenta o manufacturer),” payo ng DTI sa mga mamimili. “Maaari kasing ‘yung iba nagbebenta ng mababa ang presyo pero wala namang brand. So, wala po tayong hahabulin ‘pag nagkaroon ng problema.”