2

MULING ipinakita ng mga mamamayan ng Tagudin, Ilocos Sur, ang kanilang pagkakaisa, pagsalu-salo at suporta sa pagdiriwang ng kapistahan at ika-10 taon ng Tikanlu Festival, na nagsimula noong Abril 30 hanggang Mayo 6.

Ipinagmalaki ng guest of honor and speaker na si Department of Tourism Secretary Wanda Corazon Teo ang mga opisyales ng Tagudin sa matagumpay na pagbabalik ng Biggest Tikanlu (Tinungbo, kangkanen at lubi-lubi),na naging highlight sa kapistahan noong Mayo 2.

 Pinasinayaan nina Secretary Teo at Mayor Roque Verzosa, Jr., kasama ang mga lokal na opisyal ang giant “kakanen” (glutinous rice cake) na may sukat na 10 metrong diameter, na gawa sa 15 sako ng malagkit na bigas na tig-50 kilos kada isa, 1500 niyog at 7.5 sako ng muscovado sugar. Niluto ito ng 50 katao at hinati-hati sa 4x4 inches at saka ipinamahagi at ipinatikim sa humigit-kumulang sa 10,000 katao na dumalo sa kapistahan.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

 Naniniwala si Sec.Teo na may potensiyal ang maliit na bayan ng Tagudin, na tinaguring “Gateway of Ilocos Region”, upang maging tourist destination sa mga susunod na taon at handa ang kanyang departamento na suportahan ang mga proyekto ng bayan para sa pag-unlad ng turismo rito.Hangad niya ang pagkakaisa ng mga Tagudinian at pagsuporta sa kanilang mga opisyales para makamit ang pag-unlad ng bawat isa.

Ang Tikanlu Festival ay naudlot ng tatlong taon,nang matapos ang tatlong termino ni Mayor Verzosa noong 2013. Sa pagbabalik ng festival na ito ay hangad naman ngayon ng kanyang mga kababayan na maitala ang Biggest Tikanlu sa World Record.

 

Ayon kay Verzosa, napakalaking hamon sa kanyang administrasyon ang pangarap ng kanyang mga kababayan na makapagtala sa Guiness Record.

“Walang imposible at isang karangalan kapag naitala sa world record ang Tikanlu, pero hindi ko kayang mag-isa ito, kailangan ko ang suporta ng aking mga kababayan.”

 

Masigasig ngayon ng municipal government sa pagsusulong ng mga proyekto para mapaunlad at maiangat ang ekonomiya ng bayan at mas mapalago ang selebrasyon ng Tikanlu Festival sa mga susunod na taon. (RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="244776,244771,244770,244775,244774,244773,244772,244768"]