Kylie kasama sina Glaiza, Gabbi at Sanya sa cast party ng 'Encantadia' copy

NUMBER ONE trending nationwide at worldwide ang finale episode ng Encantadia nitong nakaraang Biyernes sa hashtag nilang #ivoliveencantadia. 

Nag-trending din ang bawat isa sa mga Sang’gre sa telefantasya na sina Amihan, Pirena, Alena at Danaya.

Tinupad ni Direk Mark Reyes ang kanyang ipinangako na marami silang pasabog sa finale night. Ipinakita niya ang paglalaban ng mga taga-Lireo at ng mga taga-Etheria. Dito na natapos ang kasamaan nina Hagorn (John Arcilla) at Ether. Si Ybrahim (Ruru Madrid) ang nakapatay kay Asval (Neil Ryan Sese), si Alena ang nakapatay kay Andora (Rochelle Pangilinan), at si Emre (Zoren Legaspi) ang nakapatay kay Hagorn.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Nagwagi ang Lireo sa pagdating ni Haring Raquim (Dingdong Dantes) mula sa Devas; ni Emre, na muling binuhay si Cassiopea (Solenn Heussaff). 

Muling nagsimula ang pagsigla ng Lireo. Iniwan na ni Danaya (Sanya Lopez) ang pagiging reyna ng Lireo para matupad na ang pagmamahalan nila ni Aquil (Rocco Nacino). Sa kanilang kasal, sumabay na rin sina Pirena (Glaiza de Castro) at Aznar. 

Isinalin na ni Danaya ang kanyang korona kay Alena (Gabbi Garcia) na siyang karapat-dapat na maging reyna ng Lireo.

Ang isa pang pasabog ng telefantasya, bukod sa paggi-guest ni Dingdong, ay ang muling paglabas si Kylie Padilla bilang ang nabuhay na si Amihan. Ang ganda-ganda ni Kylie, na ang magandang mukha lamang ang ipinakita at muli silang nagyakap ni Ybrahim, ang lalaking tunay niyang minahal kahit siya ang reyna noon ng Lireo.

Masayang-malungkot ang pagtatapos ng Encantadia na halos isang taon ding umere pero naghiwa-hiwalay na ang mga nagsiganap. 

Nanood ang buong cast at production staff ng final episode at dumating din si Kylie mula sa baby shower para sa baby boy nila ni Aljur Abrenica na malapit nang isilang.

Pero may patikim na rin si Direk Mark, ang Book 2 ng Encantadia na sa teaser, si Solenn Heussaff naman ang maghahasik ng kasamaan sa kaharian ng Lireo.

Excited ang Encantadiks sa nalaman na may aabangan pa rin silang karugtong ng epic-serye sa primetime ng GMA-7.

(NORA CALDERON)