Sa rehas ang bagsak ng isa sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos ireklamo ng walang habas na pagpapaputok ng baril sa Taguig City, nitong Biyernes ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Taguig City Police ang suspek na si Senior Jail Officer 2 Joseph Ecal y Edu, 44, ng No. 6 Feliciano Street, Purok 4B, Barangay Lower Bicutan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Mark Saberon, ng Taguig City Police, dakong 10:00 ng gabi nangyari ang insidente sa harap ng bahay ni Ecal.

Dala marahil sa sobrang kalasingan, kinuha ng suspek ang isang cal .9mm jerichom 941F at walang habas na nagpaputok sa lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tiyempo namang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-Station 3, sa pangunguna nina PO2 Oprecio at PO1 Oliganola, nang lapitan ng isang concerned citizen at isinumbong ang isang lasing na lalaki na makailang beses na nagpaputok ng baril.

Pinuntahan ng mga pulis ang lugar at dinakip si Ecal nang marekober sa kanya ang isang .9mm baril, isang empty magazine at walong basyo ng bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong alarm and scandal. (Bella Gamotea)