Marian copy copy

ANG laging bati kay Marian Rivera, parang hindi siya nagsilang kay Baby Letizia na ngayon ay one year old and six months na. Iyon daw ay dahil bini-breast feed pa rin niya si Zia hanggang ngayon, kaya wala siyang naging problema nang magbakasyon sila ng five days sa Spain, to meet her Papa Javier Gracia at ang family nito at iba pa nilang relatives doon.

Hindi mailarawan ni Marian ang unang pagkikita ng kanyang ama at ni Baby Zia.

“Iba talaga ang lukso ng dugo, parang ilang taon nang nagkita sina Papa at Zia,” kuwento ni Marian. “Si Zia pa naman napaka-sweet at napaka-loving na bata, kaya hindi rin ako nakapigil na maiyak dahil halos hindi mabitawan ni Papa si Zia. Siya kasi ang nag-drive around sa aming mag-anak, kung saan-saan sa Spain kami pumunta. Kaya nang umalis kami, sabi niya, kailan kaya muli tayong magkikita-kita... pero ang mahalaga, hindi nawawala ang communication nating mag-anak.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“At halos ayaw din namang bumitiw sa kanya ni Zia nang magpaalam na kami pabalik sa Pilipinas.”

Back to work agad si Marian pagbalik nila noong isang araw, dahil pilot episode na ngayong Sabado, May 20, ng kanyang bagong programa sa GMA News & Public Affairs, ang weekly-OFW-themed drama anthology na Tadhana.

Mabuti tinanggap niya ang offer na mag-host ng ganitong show?

“Nang i-offer sa akin ito, ang unang tanong ko, bakit ako? Pero ako naman, kahit hindi ko alam, pinag-aaralan ko at susubukan ko, tulad nang i-offer nila sa akin noong mag-host ng morning show kong Yan Ang Morning. Pero siguro, tama lang i-host ko ito dahil nakaka-relate ako sa mga OFWs, dahil once din ay nagtrabaho ang nanay ko abroad. Para sa akin, nagtiis siyang malayo sa akin at lumaki ako sa pag-aalaga ng nanay niya, si Lola Iska.

“Kaya para sa akin, sila ang dapat tawaging mga bagong bayani ng bansa, dahil tinitiis nilang mawalay sa kanilang pamilya para lamang mabigyan sila ng magandang buhay.

“Sa bawat episode na gawin namin, lalo ko silang hinahangaan. Pero hindi naman lahat ng ipakikita namin, lagi na lamang malulungkot, dahil iba-iba naman ang kapalaran ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya may episode na masaya, mayroong mga episodes na magpapakita ng tagumpay nila sa pangingibang-bansa, may comedy, pero lahat may mga aral na mapapanood ang mga manonood at tiyak na maraming makaka-relate sa bawat story na ipalalabas namin.”

Papayag ba siyang gumanap sa isang episode nila?

“Bakit hindi? Kapag may magandang story na special ang topic na gagawin, at maluwag ang schedule ko. Kasi magsisimula na rin ako ng bago kong teleserye sa GMA-7.

Kung hindi siya naging artista, gugustuhin din ba niyang magtrabaho sa ibang bansa at iwanan ang asawang si Dingdong Dantes at ang anak na si Baby Letizia?

“Naku, hindi ko kayang mawalay sa mag-ama ko. Siguro kung hindi ako artista, magiging teacher ako dahil mahilig ako talaga sa mga bata.”

Napalakas ang sagot ni Marian na “hindi!” nang tanungin kung hindi pa ba susundan si Baby Letizia.

“Hayaan na muna ninyo akong matrabaho, nag-usap na kami ni Dong na siya ang magbabantay kay Zia kapag may taping ako dahil hindi ako matatahimik sa trabaho kapag hindi siya kasama ng anak namin. Mahirap din kasi kung susundan agad si Zia, kailangang ihanda rin namin siya kung magkakaroon na ng bagong kapatid,” sabi ni Marian. (NORA CALDERON)