June 07, 2026

Home BALITA Politics

Rep. Erice, binanatan si Sen. Bam matapos pasalamatan si Sen. Chiz

Rep. Erice, binanatan si Sen. Bam matapos pasalamatan si Sen. Chiz
Photo Courtesy: Egay Erice, Bam Aquino (FB)

Pinatutsadahan ni Caloocan City 2nd District Rep. Ebay Erice si Sen. Bam Aquino matapos pasalamatan si Sen. Chiz Escudero sa pagsipot nito sa Senado kamakailan.

Sa isang Facebook post ni Rep. Erice nitong Linggo, Hunyo 7, sinabi ni Erice na mabubuwisit umano ang namayapang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa mensahe ng pinsan nitong si Sen. Bam sa kabarong senador.

"Tingin ko kung nabubuhay si PNoy, mabubwisit sa statement na 'yan, Sen. Bam. Reflect mo lang,” saad ni Rep. Erice.

Matatandaang dahil sa pagsulpot ni Sen. Chiz sa Senado noong Hunyo 3 ay nakapagbuo ng quorum ang Senate minority bloc. 

Kaya sabi ni Sen. Bam, “Maraming salamat, Sen. Chiz, sa inyong katapangan at pagmamahal sa ating institusyon ng Senado at sa ating bansa.”

Politics

Sen. Alan, binalaan 18-ex Marines tungkol sa BRC hearing sa Hunyo 8

“Balik trabaho, para sa bayan,” dugtong pa niya.

Naihalal bilang bagong Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian bilang kapalit ni Sen. Loren Legarda habang si Sen. Erwin Tulfo naman ang tatayong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na nasa pamumuno noon ni Sen. Pia Cayetano.

Maki-Balita: Sen. Bam, pinasalamatan si Sen. Chiz