NAKAUWI na nga sa Pilipinas si Sharon Cuneta, kaya lang may mga pumapansin sa nabasang post niya sa Facebook na, “Glad to be home. Really missed my children. Sad to be away from the U.S. though. Mabuhay!” na parang hindi niya alam kung babalik pa ng bansa o mananatili na lang sa Amerika.
Anyway, babalik din naman sa June sa Amerika si Sharon dahil may series of shows siya roon na tatagal hanggang July.
Kaya malalayo na naman siya sa kanyang pamilya.
Ikinatuwa ng fans ni Sharon ang ibinalita niyang sisimulan na niya ang shooting ng kanyang Cinemalaya movie na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha bukas, Sabado. Nine days daw ang shooting ng pelikula, sa direction ni Mes de Guzman.
“Please pray for me. Mahirap umakting lalo na for the first time in so many years... nang TULOG,” post pa ni Sharon.
Ang Star Cinema movie na gagawin niya, ibinalita niyang naurong sa September ang shooting.
Nakakaloka lang dahil may fans si Sharon na naniniwalang authentic daw ang nag-viral na edited picture nina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Risa Hontiveros na magka-holding hands habang naglalakad.
Obvious na hindi alam ng fan na may paglilinaw na sa litratong ‘yun, na in-edit lang para palabasing magka-holding hands ang dalawang senador.
Hindi rin nito nakitang kasama ng dalawang senador habang naglalakad sina Sen. Franklin Drilon at isa pang senador.
(NITZ MIRALLES)