jessy-luis copy

VERY obvious na ipinagmamalaki nang husto ni Luis Manzano ang relasyon nila ni Jessy Mendiola.

Kung pagbabasehan ang mga post ni Luis tungkol sa kanila ni Jessy, walang dudang ang dalaga na nga ang inaasam-asam niyang maging misis, huh!

Obserbasyon ng isang katoto, sa lahat ng mga naging kasintahan ni Luis, kay Jessy sobrang sweet ang premyadong TV host.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinagpipistahan naman ngayon ang latest photo nina Luis at Jessy na kuha sa isang pool habang hinahalikan niya ang noo ng dalaga.

“Maganda naman, di ba?” balik-tanong ni Luis nang tsikahin namin siya tungkol sa naturang photo.

Kung pagbabasehan ang naglabasang pictures nila, walang dudang sa simbahan na nga ang tuloy ng magkasintahan.

Natawa si Luis nang banggitin namin na marami ang naiinggit sa sobrang tamis ng samahan nila ni Jessy.

Hindi naman maiiwasan na may mga negatibo ring reaksiyon sa kanilang public display of affection. May mga nagsasabi pang mauuwi rin daw sila sa hiwalayan, tulad ng relasyon ng aktor noon kay Angel Locsin.

“Hayaan mo na sila, Kuya Jims. Basta ba wala kaming nasagasaan, eh, okey lang. Anyway, mas marami namang pabor kaysa hindi, di ba?” balik-tanong pa ni Luis. (Jimi Escala)