Lumago ng 6.4 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2017.

Batay sa datos ng pamahalaan, nakabangon ang sektor ng agrikultura, malakas pa rin ang kalakalan, sumipa ang manufacturing industry gayundin ang domestic demand.

Gayunman, mas mababa pa rin ang numerong ito sa 6.9 hanggang 7 porsiyentong target na paglago ng economic managers.

Mas mabagal ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) sa first quarter ngayong taon kumpara sa 6.6% paglago na naitala sa last quarter ng 2016.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Mas mabagal din ito sa 6.9% na paglago ng ekonomiya na naitala sa unang bahagi ng nakaraang taon, kung kailan umarangkada ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga ginastos sa nakaraang eleksyon. (Beth Camia)