MARAMI ang natuwa nang ihayag ni Vic Sotto na pregnant na ang kanyang batambata at magandang asawang si Pauleen Luna sa Eat Bulaga. Walang patid ang pagbati not only from the Dabarkads.

May nagdarasal na sana raw ay lalaki ang maging anak para lumago pa ang lahi ng mga Sotto. Tiyak na mamamana raw ng bata ang pagiging mapagkawanggawa ni Bossing Vic.

Pero isang netizen ang nagpahayag ng pagkabahala na baka raw maging autistic ang kalabasan ng bata dahil sa nabasa niyang nangyayari ito sa kalalakihang ama na nagkakaedad 50 pataas.

Naitanong namin ang paksang ito sa isang doctor, kung ito ba ay may katotohanan. On the contrary, applicable daw ito sa kababaihang higit na matanda kaysa sa lalaki.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa madaling sabi, walang dapat ipangamba ang naturang netizen.

Nakatakdang magsilang si Pauleen sa Disyembre. Welcome sa mag-asawa ang anumang kasarian ng kanilang magiging supling, basta’t malusog. (REMY UMEREZ)