BUTUAN CITY – Makalipas ang dalawang araw na pagkakabihag, pinalaya na nitong Martes ng hapon ng New People’s Army (NPA) ang negosyanteng dinukot nito sa Agusan del Sur matapos ang matagumpay na negosasyon.

Kinilala ni Chief Supt. Rolando B. Felix, director ng Police Regional Office (PRO)-13, ang pinalayang si Carson Ceasar Lademora, may-ari ng minahan, at taga-San Francisco, Agusan del Sur.

Bandang 5:00 ng hapon nitong Martes nang palayain siya ng mga rebelde sa Bislig City, Surigao del Sur.

Linggo nang sapilitang tangayin si Lademora ng mga miyembro ng NPA sa kabundukan ng Sitio Salcedo, Barangay Bayugan 3 sa Rosario, Agusan del Sur.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“We acknowledged the cooperation of the security forces, communities, and members of the Crisis Management Committee that led to his successful and safe release,” sabi ni Chief Supt. Felix.

Napaulat na walang binayarang ransom sa pagpapalaya kay Lademora. (Mike U. Crismundo)