NASA Pilipinas na si Sharon Cuneta kung natuloy ang pag-uwi niya kahapon. Kahit umalis ng bansa, nararamdaman pa rin si Mega dahil sa sunud-sunod na posts niya sa social media.
Kung magpapa-interview, siguradong maraming gustong itanong sa kanya ang mga reporter.
Samantala, nabuking ang isa pang FB account ni Sharon nang mag-post gamit ang pangalang Georgia Zaragoza. Nag-post si Mega ng picture ng mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel na may caption na, “I miss you... the only four people in the whole wide world I would give my life for.”
Nag-post din si Sharon sa “Sharon” FB account niya at ibinalitang nag-Facetime sila ng kanyang mga anak at natutuwa siyang makita ang mga anak.
“So in love with them. Thank You, Lord Jesus for keeping my treasures (my babies) safe,” aniya.
Nagtatanong lang ang mga nakabasa ng post ni Sharon, bakit hindi nabanggit si Sharon ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa kanyang mga post?
Masasagot ‘yan dahil narito na si Sharon (hopefully) ‘pag na-interview siya. (NITZ MIRALLES)