Ni ADOR SALUTA

Miho at Tommy
Miho at Tommy
RAMDAM ang lungkot sa mukha ni Tommy Esguerra nang mag-guest sa Magandang Buhay last Thursday. Pinag-usapan kasi ang break-up nila ng former PBB housemate na si Miho Nishida na naging girlfriend niya paglabas nila sa Bahay ni Kuya noong 2015.

Tumagal ng halos isa’t kalahating taon ang kanilang relasyon. Nitong nakaraang buwan, they called it quits.

Naging topic sa show ang dahilan ng hiwalayan nila ni Miho. Aminado si Tommy na bago ang kanilang break-up, ilang buwan na rin silang hindi masaya.  

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“I don’t think it’s just one reason. It’s a culmination of many things… We have different values, different morals and I guess in the long run that you wouldn’t play out well, you know,” sabi ng model/actor.

Malaking factor din ng paghihiwalay nila ang language barrier. Raised in the US si Tommy kaya “spokening dollar” (tawag natin sa mga inglisero) ang poging modelo. Si Miho ay Pinay, matagal tumira sa Japan kaya marunong na ng Nihongo at aminadong hirap magsalita ng English. 

Hindi namin ma-imagine o siguro para silang Pinoy tourist at Thailander trader na nag-uusap ng sign language ‘pag may binibili.

Nagkuwento si Tommy na bagamat madalas silang “lost in translation” dahil sa language barrier, ginagawa niya ang lahat para magkaunawaan sila ni Miho.

“I fought for our relationship from beginning to the end but there just comes the point where you realize there’s nowhere more to go,” sabi ng binata.

Sinabi rin ni Tommy sa programa nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na mutual decision ang breakup nila. Napaiyak si Tommy nang mapag-usapan ang moving on.

“It’s a process talaga. Every break-up is always hard. It’s a hard thing you go through. You have to rediscover yourself sometimes. Sometimes, you invest too much in the relationship. Nanghihinayang,” sambit pa ni  Tommy.

Nilinaw rin niya na hindi siya galit kay Miho. Hindi pa siya handa to date again kaya pagtutuunan lang niya ang kanyang career, aniya nang tanungin kung ready na ba siya ulit to fall in love.

Ang mensahe niya kay Miho: “I wish her the best no matter what happened in our relationship, of course, still loves her.”

Pero nilinaw ni Tommy na hindi na siya umaasang magkakabalikan pa sila ni Miho.

Hmmm, mukhang may mas malalim pang dahilan kaysa language barrier ang hiwalayan nila.