SA istorya ng Meant To Be, alam nang si Yuan Lee, na ginagampanan ni Ken Chan, ang tunay na ama ng kambal na sina Luke at Leia na iniwanan sa kanya ng dating girlfriend na si Nikki.   Kung sa totoong buhay ito mangyayari sa kanya, paano niya tatanggapin?

Ken Chan
Ken Chan
“Sa totoo po, pangarap ko talagang magkaroon ng anak na kambal, kapag nag-asawa na ako,” nakangiting sagot ni Ken nang bisitahin namin sa set ng serye. “Kung ganoon ang mangyayari sa akin na hindi ko alam na nakabuntis ako at iiwanan din sa akin ng girlfriend ko ang mga babies sa akin, tatanggapin ko at hindi ko ikahihiya. At tulad po ng ginagawa ko ngayon na ako ang breadwinner ng pamilya na kayod ako sa trabaho, ganoon din ang gagawin ko para sa aking pamilya. ‘Yon nga lang, wala pong kambal sa family namin, siguro hahanap ako ng girl na may kambal sa family niya,” pabirong sabi ng aktor.

“Pero natutuwa po ako sa mga sumusubaybay sa aming show dahil nakaka-relate daw sila sa amin, sa akin, bilang single dad. May mga nagsasabi pang p’wede raw bang sila ang mag-alaga sa kambal, dahil nakikita nilang hirap kaming apat, sina Andoy (Jak Roberto), Ethan (Ivan Dorschner) at Jai (Addy Raz) sa pag-aalaga sa kanila. 

“Kahit nga si Billie (Barbie Forteza), na busy sa pagri-review niya para sa board exam niya, tumutulong din sa amin sa pag-aalaga sa kambal.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ano ang mangyayari sa character ni Yuan ngayong may mga anak na siya?

“Magkakaroon po ng twist ng story, may magandang mangyayari sa buhay ni Yuan at sa kanyang parents. At hindi niya igi-give-up ang panliligaw kay Billie, patutunayan niya na kaya niyang umibig pa rin kahit may mga anak na siya, ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Billie. Alam kong maraming millenials na nakaka-relate sa character ni Yuan.”

Sila pa rin ba ni Billie ang magkakatuluyan sa huli?

“Sana nga po ay kami ni Billie sa ending, pero kung sino po ang mas gusto ng mga fans, sa palagay ko po ay iyon ang susundin ng mga writers ngMeant To Be dahil, para sa akin, kahit sino ang maging magkatambal sa finale ng story, tatanggapin ng mga fans.”

Napapanood ang Meant To Be pagkatapos ng Destined To Be Yours. --Nora Calderon