GUSTONG ma-interview ng press si Neil Arce, ang producer na sinasabing nanliligaw kay Angel Locsin (kung hindi pa sila) para hingin ang kanyang reaction sa inamin ni PNP Chief Gen.Ronald dela Rosa na crush nito si Angel.
Sa Twitter, ipinost ni Gen. Bato ang picture nila ni Angel na may caption na, “With the permission of my wife, I’ve finally met my crush, Angel Locsin.”
In fairness, walang negative comments sa post na ito ni Gen. Bato, ang takot lang siguro ng bashers sa PNP Chief.
Pero ano nga kaya ang masasabi ni Neil dito? (Nitz Miralles)