MAGSASAMA palang muli sa isang show ang dating magkasintahang sina Robi Domingo at Gretchen Ho. Nagti-taping na sila para sa kanilang show na ipapalabas sa Channel 23, ang University Town.
Wala naman daw problema sa pagsasama ng dalawa sa isang show. Kahit meron pa rin namang sakit na dulot ang paghihiwalay nila, banggit ni Robi, “The show must go on.”
Hindi na raw kagaya ng dati na inseperable sila everytime na magkasama sila sa show. Sa taping daw ng University Town, naramdaman ng lahat na merong malaking pagbabago.
Alam ng lahat na parehong mahusay na host sina Robi at Gretchen. Katunayan, kung ilang beses nang nakatanggap ng award bilang Best Male TV host si Robi.
Ayon pa kay Robi, masasabi niya na medyo naka-move on na sila ni Gretchen. Pero ayaw niyang magkomento nang tanungin kung hindi ba maaapektuhan ng history nila ang kanilang hosting chemistry.
“Well, sa totoo lang naman, eh, pinag-uusapan na namin ‘yan ni Gretchen noon pang bago pa nagsimula ang show naming ito. And we both agree na we will still do it. Ngayon, kung gusto naming pareho na lalabas na parang natural ang pagho-host namin, dapat lang na huwag na naming patulan ang anumang pang-iintriga nila,” sey ni Robi.
Aminado siya na medyo mahirap sa umpisa pero for the sake of love nila sa kanilang propesyon, dapat lang daw nilang isantabi ang anumang maaaring makaaapekto.
“Siyempre, kasi, eh, fresh pa kami sa break-up saka nandoon pa ‘yung awkwardness pero pinag-uusapan na namin ‘yan na kailangan namin itong gawin,” pag-amin TV host.
Samantala, bago pa man naungkat ang mainit na usap-usapan tungkol sa kanila ni Sandara Park, nakiusap na agad si Robi na tigilan na ang naturang intriga. Huwag na raw sanang banggitin pa ang pangalang Sandara Park na sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gretchen.
Katwiran ni Robi, hindi siya sanay na maging sentro ng intriga ang kanyang lovelife lalo na kung nadadawit ang pangalan ni Sanda Park .
“Sobra na talaga akong nahihiya kay Sandara kasi she doesn’t deserve it, kaya sana naman, eh, tigilan na nila si Sandara,” sey pa Robi. (JIMI ESCALA)