Nakasiguro ng semifinals slot ang Philippine Under-15 girls national team makaraang magtala ng dalawang sunod na panalo sa 2017 ASEAN Football Federation (AFF) Under-15 Girls Championship sa Vientiane, Laos..

Unang tinalo ng mga kabataang Pinay ang koponan ng Indonesia, sa iskor na 2-0, sa pamumuno nina Viviana Cera at Katelyn Alexander, na uniskor ng tig-isang goal sa ika-22 at ika-33 minute, ayon sa pagkakasunod.

Sumunod naman nilang tinalo ang Cambodia sa iskor na 3-0.

Muling naka -goal si Alexander sa 14th minute, na sinundan ni Maria Lazo sa 40th minute bago ang huling goal ng laro mula kay Anya Lazo sa 66th mark.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Dahil dito, nangunguna sa kasalukuyan ang Pilipinas na may 6 na puntos sa Group B at nakatakda nilang harapin ang Singapore habang isinasara ang pahinang ito kahapon sa pagtatapos ng Group Stage.

Nakatakda namang simulan ang semifinal round sa darating na Miyerkules, Mayo 17. (Marivic Awitan)